Pagsuporta sa Isang Mahal sa Buhay na may Kanser!
2 month-old Ganryu, my fur healer puppy. Was born on my 1st Chemo Cycle January 2, 2020 Ang pagkakaroon ng kanser ay isa sa mga pinakamabigat na karanasan na maaaring mapagdaanan ng isang tao sa kanyang buhay. Ang pagkabalisa at pag-aalala ay nagsisimula na kahit sa paghihinala pa lamang ng pagkakaroon ng kanser. Ito ay nagiging mas mabigat habang pinagdaraanan ng pasyente ang proseso ng diagnosis at pagpapagamot. Ang pasaning ito ay hindi lamang nakakaapekto sa pasyente kundi pati na rin sa kanyang pamilya at mga kaibigan. Para makapagpakita ng suporta sa isang pasyenteng may kanser, anu-ano ang mga bagay na maaaring gawin ng isang taong nagmamalasakit? 1. Ihanda ang sarili para mapagtuunan ng pansin ang pasyente. Tantsahin ang mga sariling emosyon bago humarap sa pasyente. 2. Magkaroon ng kaalaman tungkol sa sakit ng pasyente at intindihin ang pananaw ng pasyente tungkol dito. 3. Maghanda para sa mga pagbabagong maaaring mangyari sa pasyente tulad ng pangangayayat o p