Pagsuporta sa Isang Mahal sa Buhay na may Kanser!

2 month-old Ganryu, my fur healer puppy.
Was born on my 1st Chemo Cycle January 2, 2020

Ang pagkakaroon ng kanser ay isa sa mga pinakamabigat na karanasan na maaaring mapagdaanan ng isang tao sa kanyang buhay. Ang pagkabalisa at pag-aalala ay nagsisimula na kahit sa paghihinala pa lamang ng pagkakaroon ng kanser. Ito ay nagiging mas mabigat habang pinagdaraanan ng pasyente ang proseso ng diagnosis at pagpapagamot. Ang pasaning ito ay hindi lamang nakakaapekto sa pasyente kundi pati na rin sa kanyang pamilya at mga kaibigan.

Para makapagpakita ng suporta sa isang pasyenteng may kanser, anu-ano ang mga bagay na maaaring gawin ng isang taong nagmamalasakit?


1. Ihanda ang sarili para mapagtuunan ng pansin ang pasyente.
Tantsahin ang mga sariling emosyon bago humarap sa pasyente.

2. Magkaroon ng kaalaman tungkol sa sakit ng pasyente at intindihin ang pananaw ng pasyente tungkol dito.

3. Maghanda para sa mga pagbabagong maaaring mangyari sa pasyente tulad ng pangangayayat o pagkalagas ng buhok para hindi mabigla kapag nakita ang pasyente at hindi makadagdag sa pasaning nararamdaman nila.

4. Matutong makiramdam sa pasyente.

5. Tanungin ang pasyente kung gusto niyang makipag-usap, at hayaan siyang magpasya kung kailan niya gustong magbahagi ng kanyang kwento.

6. Maging maingat at sensitibo sa mga gagamiting salita at huwag maliitin o balewalain ang mga sinasabi o nararamdaman ng pasyente.

7. Humingi ng pahintulot bago magbigay ng anumang payo o kwento mula sa karanasan ng iba para hindi makadagdag sa stress na nararanasan ng pasyente.

8. Magpaalam sa pasyente bago ibahagi sa ibang tao ang mga nakuhang impormasyon.

9. Makinig mabuti.

10. Ang paglaan ng oras para hayaang mailabas ng pasyente ang kanyang mga nararamdaman ay nakakatulong sa pagpapagaan ng kanyang pasanin.

11. Magpaabot ng tulong.

12. Kung mukhang nahihirapan na ang pasyente sa mga responsibilidad sa bahay o sa trabaho, maaaring mag-alok ng tulong pero maging maingat din na hindi maipamukha na siya ay may kakulangan.

13. Maaaring magbigay ng mga care package depende sa mga interes o pangangailangan ng pasyente tulad ng mga babasahin, masustansyang pagkain at iba pang mga bagay na pwedeng makapagpasaya o makapagpaginhawa sa pasyente. Mabuting makipag-ugnayan din sa health care team ng pasyente kung anu-ano ang mga maaaring ibigay sa pasyente.

14. Iparamdam na hindi nag-iisa ang pasyente.

15. Maaaring mag-alok na samahan ang pasyente sa kanyang konsultasyon at gamutan kung siya ay walang kasama.

16. Magpadala ng mensahe o tumawag maya’t maya para kamustahin siya o ipaalala na naiisip mo siya.

17. Makipagkwentuhan pa rin tungkol sa mga karaniwang pang-araw-araw na bagay para mapanatili ang tinatawag na “sense of normalcy” at magkaroon ng ganang makihalubilo sa ibang tao ang pasyente.

18. Bumuo o sumali sa support group.

19. Maaaring bumuo ng sariling grupo ng mga mahal sa buhay na sumusuporta sa pasyente.

20. Maaari ring sumali sa mga ibang support group para makipag-ugnayan sa mga kaparehong pasyente at tagapangalaga na maaaring makapagbahagi ng kanilang mga karanasan at payo para maging mas maginhawa ang pasyente.

IMPORTANT: Dapat alalahanin na kahit maganda ang ating hangarin, mahirap masiguro kung ano ang pinakaangkop na sabihin o gawin sa mga iba’t ibang pagkakataon. Kaya mahalagang kilalanin ang bawat pasyente at matutong makiramdam at maging sensitibo sa kanilang mga pinagdaraanan.


Once again, thank you for taking the time to read this blog. It is what it is today due to your comments and support. As always, do share your comments with other readers in the name of open and honest discussion.



Comments

Popular posts from this blog

On My Way To Recovery After My Surgery!

Healing Prayer, Healing Doctor and Medical Healing Works Together!

1st Cycle Chemotherapy Treatment (1st Course) Prayers And Good Energy For A Vast Life-changing Experience!

How Radiation Treatment Cure Tumors And How My Faith Keeps Me In My Blue Ribbon Journey!

34th Chemo Treatment!

For Every Heart That Listens, There Is A Voice That Speaks!

Where There is Family, There is Love! Here, There, And Everywhere!

Live Day By Day, One At A Time!

November 30, 2021 Abdominal Wall and Liver CT Scan!

The Unveiling Of My Baby Hair!